Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Amy Javier bilang bagong Associate Justice ng Korte suprema

Si Javier ang papalit kay Justice Noel Tijam na nagretiro noong nakaraang enero.

Si Javier ay dating associate Justice ng Court of Appeals matapos maitalaga doon noong 20017

Tatlong beses nang nakabilang si Javier sa short list ng nominado bilang Associate Justice ng Korte Suprema at tatlong beses din na bypass pero ngayon ay napili na ni Pangulong Duterte bilang isa sa mga hukom ng Korte Suprema


itinalaga narin naman ni Pangulong Rodrigo Duterte si Retired Supreme Court Associate Justice Noel Tijam bilang academe representative sa judicial and bar council o JBC.

Ito ang kinumpirma ni dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa Media.

Si Tijam ay nagretiro nitong nakalipas na Enero 5 matapos ang kanyang ika 70 kaarawan.

Si Tijam ang ika 9 na most senior justice at ikalawang appointee ni pangulong Duterte sa korte suprema.

Nagtapos si Tijam sa san beda college na may degree sa philosophy at political science.
Si Tijam ang pumonente sa desisyon na nagpatalsik kay dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno noong mayo ng 2018.

Facebook Comments