BUGBOG O DIGNIDAD | Ateneo, kinumpirmang nagharap na ang 2 partidong dawit sa insidente ng bullying

Manila, Philippines – Kinumpirma ng pamunuan ng Ateneo de Manila University na nagharap na ang dalawang partido na sangkot sa insidente ng bullying.

Ayon kay Fr. Jose Ramon Villarin, presidente ng Ateneo – nagkausap na ang dalawang kampo.

Tiniyak ng Ateneo na isasapubliko nila ang magiging desisyon ng investigating body hinggil sa insidente.


Samantala para kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang pamunuan ng paaralan at mga magulang ang may pangunahing responsibilidad na tugunan ang naturang usapin ng bullying.

Facebook Comments