Manila, Philippines – Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong miyembro ng Korte Suprema si Court of Appeals Justice Ramon Paul Hernando.
Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, ngayong hapon ay ilalabas ng Malacañang ang appointment paper ni Hernando bilang ika 13 associate Justice ng Korte Suprema na pumalit naman sa nabakanteng puwesto ni Associate Justice Samuel Martires na una narin namang naitalagang Ombudsman.
Batay sa Records ay si Hernando ay graduate ng Ateneo Law School at 18 taon itong manunungkulan sa korte suprema dahil ngayon ay 52 taong gulang pa lamang ito nitong Agosto.
8 taon ding Associate Justice ng Court of Appeals si Hernando matapos maitalaga noong 2010.
Tumayo ding state prosecutor ng Department of Justice bago ito maitalaga bilang presiding judge ng QC RTC branch 93 bago naman manilbihan bilang presiding Judge sa San Pablo Regional Trial Court sa Laguna.