Magpapatuloy si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon sa kanyang trabaho.
Ito ang inilabas na statement ng Palasyo sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Ito ay matapos ang pagkaka-disbar o pagtanggal ng Supreme Court sa kanya bilang abogado matapos ang iskandalong pahayag nito noon laban sa beteranong journalist na si Raissa Robles.
Ayon kay Secretary Bersamin, mananatiling bahagi ng administrasyon si Gadon at hindi hadlang ang disbarment nito para hindi magampanan ang trabahong ibinigay sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Naniniwala raw ang pangulo na magagawa ni Gadon ang kanyang mandato at hindi maapektuhan ang kanyang magiging trabaho bilang isang presidential adviser.
Facebook Comments