9 na pulis, iniimbestigahan dahil sa pagkamatay ng kanilang kabaro

Isasailalim sa imbestigasyon at restrictive custody ang siyam na pulis ng Regional Mobile Force Battalion 10 na nakabase sa Bukidnon.

Ito ay upang mabigyang linaw ang pagkamatay ng isa nilang kabaro.

Nabatid na natagpuang sugatan at wala nang buhay si Patrolman Jeffrey Dabuco sa Wao river Lanao del Sur noong Lunes.


Sa report ni PMaj. Joanne Navaro, Tagapagsalita ng Police Regional Office 10 sa Kampo Krame ang 9 na pulis ay mga huling nakitang kasama ni Patrolman Dabuco.

Isa sa mga tinitignang anggulo ng Philippine National Police (PNP) ang personal na alitan dahil mayroon itong sugat sa ulo.

Sa ngayon, hinihintay pa ang autopsy report ng biktima.

Unang idineklarang missing si Dabuco noong June 23, 2023.

Facebook Comments