ITINANGGI | Jessica Sanchez, itinangging magiging isa sa mga judge sa gagawing talent show

Manila, Philippines – Itinanggi ng Fil-Am singer na si Jessica Sanchez na uupo siya bilang judge sa isang talent competition katulad ng kaniyang sinalihan na “American Idol” season 11 kung saan siya nanalo bilang runner-up.

Say ni Jessica, walang katotohanan ang balita pero kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon ay ready siya maupo bilang judge.

Nagsimula kasing lumabas ang balitang magiging parte si Jessica ng talent show nang magpahatid siya ng pagbati kay Regine Velasquez na umaming magiging isa siya sa mga hurado.


Nabatid na nasa bansa si Jessica para sa kaniyang paparating na concert at makakasama niya dito si Martin Nievera bilang isa sa mga guest artist.

Facebook Comments