TITIYAKIN | PNP, tiniyak na paiiralin ang rule of law sa pagsasagawa ng drug operation sa loob ng paaralan

38

Manila, Philippines – Sisiguraduhin ng Philippine National Police (PNP) na papairalin nila ang rule of law sa tuwing magsasagawa ng drug operation sa loob ng mga paaralan at unibersidad.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, bago sila magsagawa ng anumang operasyon sa loob ng mga paaralan ay makikipag-coordinate muna sila sa school administration.

At kung wala naman silang natatanggap na report hinggil sa anumang iligal na gawain sa loob ng paaralan ay walang dahilan upang magsagawa sila ng operasyon dito.

Dagdag pa ng opisyal na bahagi ng institutional policy ng PNP na panatilihin ang karapatang pantao ng bawat isa.

Sa huli, sinabi pa ni PNP Chief na mayroong mga training at seminar ang pulisya tungkol sa human rights.

Facebook Comments