ITINANGGI | Kerwin Espinosa binasahan ng sakdal sa kasong murder

Mariing itinanggi ng Self-Confessed Drug trafficker na si Kerwin Espinosa ang kaso ng pagpatay kay Barangay Chairman Vicente Jabon na naganap noong Mayo 31, 2006 sa Albuera, Leyte.

Si Espinosa ay isinalang sa arraignment ni Judge Alfredo Ampuan ng Manila Regional Trial Court Branch 40 Janina kung saan naghain si Espinosa ng not guilty plea.

Bukod kay Espinosa, akusado rin sa kaso sina Max Miro alyas Max at Stephen Bobares bilang Galo.


Sa Nobyembre 13 ang muling pagsalang ni Espinosa sa paglilitis ng husgado sa kasong murder.

Si Espinosa ay nahaharap ngayon sa patung-patong na kasong kriminal sa mga korte sa Maynila gaya ng paglabag sa comprehensive dangerous drugs act, illegal possession of firearms and explosives.

Samantala, ngayong umaga ay ipinagpapatuloy ni Manila RTC Branch 26 Judge Silvino Pampilo Jr., ang marathon hearing sa illegal drugs case laban kay Espinosa, ang test case sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments