ITINANGGI | Multi-awarded anti-drug Cop na si Sr. Supt. Leonardo Suan, umalma sa pagkakadawit niya sa drug matrix ng Pangulo

Manila, Philippines – Tahasang itinanggi ni Police Senior Supt. Leonardo Suan, na sangkot siya sa pagre-recycle ng iligal na droga.

Ito ang iginiit ng opisyal nang makausap ito ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde at ng media sa Camp Crame kaninang umaga.

Kasama ni Suan na iniharap kay Albayalde ang apat pang Pulis na sina PSsupt. Lorenzo Bacia
Pinsp. Lito Pirote
Pinsp. Conrado Caragdag
Spo4 Alejandro Liwanag, na iniuugnay sa umano ay drug-recycling syndicate na pinamumunuan ni dismissed Pssupt Eduardo Acierto.


Nagtataka si Suan kung paano siya napasama sa grupo ni Acierto, gayong Hindi umano sila nag kasama ni Acierto sa anumang anti-drug operation.

Napasama lang daw ang kanyang litrato sa Drug matrix na inilabas ng Pangulo, pero Wala namang pormal na reklamo patungkol sa kanyang umano ay pagkakasangkot nya sa transaksyon ng iligal na droga.

Ayon Kay Suan, maraming parangal na ang kanyang tinanggap sa PNP dahil sa dami ng kanyang mga nahuli at napakulong na mga drug lords, tulad ng umano’y Drug queen na si Yu Yuk Lai noong 1998.

Isa rin aniya siya sa mga tumulong sa pag-formulate ng Oplan Tokhang.

Ipinagmalaki pa ni Suan na sya ay naging apat na beses na naging alumni of the year, at dalawang beses naging junior field officer sa Metro Manila.

Facebook Comments