ITINANGGI | Organizer Erik Rosete, nagsalita na kasunod ng umano’y diskriminasyon sa mga modelong Pinay sa L.A. Fashion Week

Showbiz – Nagsalita na ang Art Hearts Fashion President na si Erik Rosete
kaugnay sa hindi pagkakasama ng pitong Pinay models sa Los Angeles Fashion
Week noong Lunes.

Sa pamamagitan ng Facebook post, iginiit ni Erik na wala itong kinalaman sa
diskriminasyon ng lahi.

Ang pagbabawal daw niyang parampahin sa runway sina Kiana Valenciano,
dating Miss Earth titleholder na si Jamie Herrel at limang iba pa ay dahil
sa kaugnayan nila kay Jacob Meir, owner ng For the Stars Fashion House.


Dito inakusahan ni Rosete ng pagnanakaw at pagsisinungaling si Jacob na
tinawag pa niyang “scam artist”.

Ito ay dahil sa pagpapasok ni Jacob ng sarili nilang mga hair and make-up
team na hindi naman daw nagbabayad bilang mga sponsor ng event.

Nagsagawa rin daw ng scam side business si Jacob kung saan nangongolekta
ito ng pera mula sa mga designer, sponsor at model kapalit ang placement
nila sa kanyang event.

Kasabay nito, nag-sorry si Erik kina Rocky Gathercole at Resty Lagare
matapos na hindi makarampa ang kanilang mga modelo.

Gayundin sa Lebanese fashion designer na si Elie Madi na nakaladkad din ang
pangalan dahil kay Jacob.

Facebook Comments