Manila, Philippines – Pinabulaanan ni PDEA Director Aaron Aquino ang napaulat na ilalabas na niya ang listahan ng may 289 na narco barangay executives.
Sa isang statement, nilinaw ni Carreon na hindi niya direktang sinabing ilalabas ang kumpletong talaan ng mga sangkot na barangay officials sa illegal na droga.
Malinaw ang kaniyang naunang inilabas na statements na kung siya ay masusunod at ipag uutos ito ni Pangulong Rodrigo Duterte, dapat na ngang isapubliko ang narco list sa barangay.
Una nang naibalita na gusto umano ni Aquino na mabunyag na sa publiko ang mga barangay officials na saklot ng illegal na droga upang hindi na iboto sa darating na Barangay at SK Elections sa Mayo a katorse.
Facebook Comments