ITINANGGI | PLDT, pinabulaanan ang pag-terminate nito ng ilang service contractors

Manila, Philippines – Pinabulaanan ng Philippine Long Distance Company Inc. ang ulat na winakasan nito ang mga kontrata ng ilan sa service contractors nito para makaiwas sa kautusan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na i-regularize ang nasa 8,000 manggagawa nito.

Ayon sa PLDT, walang katotohanan ang ulat at hindi sila ang nag-terminate ng mga kontrata dahil bahagi ito ng kautusan ng korte na itigil ang serbisyo sa kanila ng 38 service contract provider.

Kinukwestyon ng PLDT ang legalidad ng kautusan ng dole sa Court of Appeals (CA).


Pero habang hinihintay ang desisyon ng korte, inaaksyunan na ang DOLE order at iniisa-isa na ang mga manggagawang kasama sa listahan ng mga gustong ipa-regular ng DOLE.

Subalit, iginiit ni Labor Secretary Silvestre Bello III, napaso na ang appeal period na ibinigay nila sa PLDT kaya ‘final and executory’ na ang kanilang kautusan.

Paglilinaw pa ng kalihim, hindi dapat maapektuhan ang regularization ng mga manggagawa kahit na ipinatitigil ang serbisyo ng 38 service contractors ng PLDT.

Facebook Comments