Itinatayong Sub Station ng ISELCO II, Nasa 90 Porsiyento na

Cauayan City, Isabela- Malapit nang matapos ang ginagawang Sub station ng Isabela II Electric Cooperative (*ISELCO II*) sa bayan ng Benito Soliven.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni ISELCO II General Manager David Solomon Siquian sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Kanyang sinabi na nasa 90 porsiyento na ang natatapos sa sub station na itinayo sa barangay Sta Filomena sa bayan ng Benito Soliven at inaasahang matatapos sa darating na buwan ng Hunyo.


Sakaling matapos ang ginagawang sub station sa lugar ay malaking tulong aniya ito para sa mga nakatira sa bayan ng Benito Soliven at San Mariano dahil magkakaroon na ang mga ito ng magandang supply ng kuryente.

Samantala, nagpaliwanag naman si GM Siquian kaugnay sa nararanasang unscheduled power interruption sa ilang bahagi na sakop ng ISELCO II na ito ay dulot ng itinayong Telecom company malapit sa mga poste ng kuryente.

Nagtayo umano ang mga ito ng kahit walang pahintulot sa kinauukulan na dapat ay pinag-aralan at isinangguni muna.

Gayunman, hinihikayat pa rin ni GM Siquian ang mga consumer owners na maging responsable sa pagbabayad ng kuryente upang maiwasan ang penalty o disconnection.

Kaugnay nito, sa nalalapit na anibersaryo ng Electric Cooperative sa February 25, 2021 ay mabibigyan ng premyo ang unang 30 member consumer owners nito.

Magsasagawa rin ng bloodletting activity ang ISELCO II at mamimigay ng ayuda mula sa PHILRECA.

Facebook Comments