Nai-turnover ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at private sector partner WTA Architecture+Design Studio ang 5 Emergency Quarantine Facility (EQF) sa Amang Rodriguez Medical Center kaninang umaga.
Ang pasilidad ay itinayo ng 51st Engineering Brigade na pinamumunuan ni Brigadier General Emmanuel Anthony Ramos, sa pamamahala ng Office of The Chief Engineer AFP.
Ang proyekto ay pinondohan ng Marikina Local Government Unit katuwang ang United Architects of the Philippines-Manila Chapter.
Ang EQF ay may 120-bed capacity para sa COVID-19 patients na mild at asymptomatic, na makakatulong sa pag “decongest” ng mga ospital.
56 sa 62 planong EQF ang nakumpleto na ng AFP at WTA Architecture+Design Studio, kung saan 8 ay para sa mga military hospitals.
Tatlo sa Army General Hospital, dalawa sa V Luna Medical Center, isa sa Philippine Air Force General Hospital, isa sa Fernando Air Base Hospital, at isa sa Manila Naval Hospital.
Nagpasalamat naman si Lieutenant General Lim sa pribado at pampublikong sektor sa kanilang pakikipagtulungan sa AFP para mapahusay ang kapasidad ng bansa para labanan ang COVID-19.