Idinepensa ng isang political analyst ang ginawang pagtungo pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na bumiyahe ng China para sa kanyang state visit doon.
Ito ay sa kabila ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.
Sa Laging Handa Public Briefing, inihayag ni Political Analyst and Local Government Development Institute Director, Dr. Froilan Calilung na malalaman aniya sa state visit ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas sa ilalim ng Marcos Administration at ng China sa susunod na lima hanggang anim na taon.
Binigyang diin rin ni Calilung na nakapahalaga nito sa panig ng Pilipinas lalo na’t itinuturing na importanteng player ang China hindi lamang sa geopolitical maging sa economic dimension ng mundo.
Ito’y ayon kay Calilung ang maaaring mga dahilan ng pangulo kaya’t ipinursige pa rin nito ang kaniyang pagbisita sa China kasama ang kanyang delegasyon bukod pa sa ito rin ang kauna-unahang mabibisita ng pangulo na isang non-ASEAN country.