3 miyembro ng Abu Sayyaf Group, sumuko sa PNP-CIDG

Nagbalik-loob sa pamahalaan ang 3 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay PNP-CIDG Director PBGen. Ronald Lee, sumuko ang mga ito sa Camp Julasirim Asturias, Jolo Sulu kamakailan.

Kinilala ni Lee ang mga ito na sina Mujir Jallah Aharadji, Jurrim Alungan Hapas at Ebin Habiba Hapas.


Sinabi pa nito na tauhan ang 3 nina dating ASG Senior leader Radulan Sahiron at Amah Maas na kapwa sangkot sa serye ng pagdukot sa Mindanao kabilang ang Sidapan kidnapping noong 2000.

Ani Lee, napagisip-isip ng mga ito na mali ang ideyolohiya ng kanilang mga pinuno kung kaya’t tinalikuran na nila ang madugong pakikibaka.

Facebook Comments