Itinuturong mastermind sa pagpatay kay Cong. Batocabe, maaari pang ipagtanggol ang sarili sa korte – Malacañang

Manila, Philippines – Pinuri ng Palasyo ng Malacañang ang mga ginawang hakbang ng Philippine National Police sa pangunguna ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde para mabilis na imbestigasyon sa pag-patay kay Congressman Rodel Batocabe at security nito na si SPO1 Orlando Diaz.

Ito ang naging pahayag ng Malacañang matapos ituro ng PNP si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo bilang mastermind sa pagpatay sa mambabatas at sa kanyang security.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kahit pa itinuro ng PNP si Mayor Baldo at iba pa ay mayroon namang constitutional Rights ang mga ito na ipagtanggol ang kanilang sarili at inosente parin naman ang mga ito hanggang hindi napatutunayang may sala ng korte.


Pero tiniyak din naman ni Panelo na ipoprosecute ng pamahalaan ang mga akusado sa krimen.
Binanggit diin din ni Panelo na ang pagkakaresolba sa kaso ay resulta ng pagtutulungan at suporta sa isat-isa ng PNP at local na komunidad.

Umapela naman ang Malacañang sa publiko na laging maging nakaalerto laban sa mga kahinahinalang personalidad sa kanilang mga lugar at kung mayroong Makita ay agad itong isumbong sa mga otoridad.

Facebook Comments