ITINUTURONG SUSPEK SA PAMAMARIL SA MADDELA, QUIRINO, SUMUKO NA

CAUAYAN CITY- Matagumpay na nadakip ng mga otoridad ang itinuturong suspek sa pamamaril sa Maddela, Quirino kamakailan sa Hingyon, Ifugao.

Matatandaang naganap ang pamamaril noong ika-24 ng Disyembre sa Casa de Kelly, Brgy. Villa Norte, Maddela, Quirino na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang (2) indibidwal habang apat (4) ang sugatan.

Matapos ang pamamaril ay agad na nagsagawa ng manhunt operation ang kapulisan ng Quirino at sa koordinasyon ng Ifugao PPO sa Hingyon Police Station, natanggap ang impormasyon na nasa Brgy. Northern Kababuyan, Hingyon, Ifugao ang suspek at nais nang sumuko.


Agad na nagtungo ang kapulisan ng Quirino sa Hingyon upang kunin ang suspek kung saan sumuko ito ng maayos sa mga otoridad.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng Maddela Police Station at sasampahan ng kasong 2 counts Murder at 4 counts Frustrated Murder.

Facebook Comments