Manila, Philippines – Nagdesisyon na ang mga samahan ng mga truckers at iba
pang stakeholders sa Aduana , na tuluyan ng itigil ang pick up o pagkuha ng
import cargo ng mga delinquent shipping lines.
Ito ang nagkakaisang tugon ng iba’t-ibang mga samahan sa Aduana, mga
stakeholders sa pinangangambahan na namang Port Congestion sa Maynila.
Ayon kay Teddy Gerbacio, ng Inland Haulers and Truckers Association
magsisimula ang hindi pag pick up ng mga import cargo sa April 1 sa mga
shipping lines na may dati na at malala ng problema sa usapin ng pagsasauli
ng empty containers lalo at wala silang silang mga sariling container yard
dahilan upang magkanda delay din ang kanilang iba pang operasyon at
nagdudulot ng karagdagan ding singilin o charges sa mga truckers.
Kabilang sa mga tinukoy na cargo na hindi na nila pi-pick up in ay mula sa
TS Lines, Wan Hai, CMA CGM, APL at Hyundai.
Ipinaabot narin ng alyansa sa tanggapan ni Atty. Maximino Cruz , General
Manager ng Association of International Shipping Lines ang kanilang
hakbang.
Matatandaan na nagsama-sama ang mga stakeholders sa Adunana, kabilang ang
Hataw o Haulers and Truckers Association in the Watersouth Inc, Fruits
Importers Brockets Association, Professional Customs Brockers Council ,
Island Haulers and Truckers .Association, Aduana Business Club at Truckers
Bureau dahil sa mga problema ng mga truckers at mga stakeholders sa Aduana.