Dimples “Daniella Mondragon” Romana bagong Tourism advocate

75
Image via DOT Facebook page

Inanunsyo ng Department of Tourism (DOT) ang pagtulong ng aktres na si Dimples Romana sa pagpropromote ng mga mala-paraisong lugar sa Pilipinas.

Dumalaw si Romana sa tanggapan ni DOT Secretary Bernadette-Romulo Puyat nitong Lunes at sinabing nais niya maging bahagi ng mga proyektong mas lalong makilala ang mga nakamamanghang destinasyon ng bansa.


Bilang isang art-enthusiast at museum lover, gustong i-promote ng paboritong kontrabida ng madla ang iba’t-ibang museo at heritage sites na bihirang puntahan ng mga bakasyunista.

Kamakailan, naging viral ang memes ni Daniella Mondragon, karakter na ginagampanan ni Romana sa teleseryeng “Kadenang Ginto”, kung saan hila niya ang maleta habang naglilibot sa iba’t-ibang sulok ng bansa at mundo.

Facebook Comments

From Advertisers