Seagull, napagkamalang phoenix nang mabalutan ng curry

17
Image via CNN

Inakalang exotic na ibon ang isang seagull nang mabalutan ito curry ngunit kaagad namang naidala sa hospital ng mga taong nakakita sa kaniya sa kalsada sa Buckinghamshire, United Kingdom.

Napagkaalaman itong phoenix, o sa greek mythology ay isang ibon o nabubuhay muli matapos mamatay. Sa mitolohiya, may flames o apoy ang mga pakpak nito.


Dinala ang seagull sa Tiggywinkies Wildlife Hospital at napagalaman na hindi ito makalipad ng maayos dahil nabalutan ito ng turmeric o curry.

Dineklara ring malusog ang seagull at nilinisan siya ng mga rescuer at veterinary team sa curry bath. Pinangalanan siyang Vinny, at nang malinisan ay bumalik din sa dating kulay na puti ang mga balahibo nito.

 

Facebook Comments

From Advertisers