Manila, Philippines – Inaasahang maglulunsad ang Administrasyong Duterte ng
national branding para pagpapakilala ng Pilipinas sa buong mundo.
Ayon kay Presidential Communication Secretary Martin Andanar, inaprubahan
na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang gabinet meeting.
Aniya, layun nitong ipakilala ang Pilipinas sa kabuuan hindi lang pagdating
sa turismo.
Gayunman, sinabi ni Andanar na dapat itong naaayon sa advertising effort ng
Department of Tourism (DOT).
Kailangan rin aniya na may kinatawan ang lahat ng ahensya ng pamahalaan
dahil ito ang unang pagkakataon na mabibigyan ng brand ang Pilipinas.
Facebook Comments