“It’s More Fun in the Philippines” slogan, muling inilunsad

Inilunsad ng Department of Tourism (DOT) ang bagong “It’s More Fun in the Philippines” campaign.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Puyat, layon nitong mahikayat ang mga dayuhan maging ang mga Pinoy na bumisita sa iba’t-ibang isla ng Pilipinas.

Aniya, ginamit nilang bagong tourism font ay ang “Barabara” kung saan naging inspirasyon ang mga local signages sa mga kalye, jeepney at mga beach.


Paliwanag ni Puyat, dinesenyo ito para mas madaling mabasa ang mga anunsiyo sa publiko.

Maaaring i-download ang Barabara font sa official website ng DOT.

Tiwala naman si Interior Secretary Eduardo Año, na hindi makakaapekto sa turismo ng bansa ang banta ng terorismo at mga travel advisory.

Facebook Comments