It’s officially over: Song Joong Ki at Song Hye Kyo divorced na

163

Matapos kumalat ang balitang naghiwalay na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo noong nakaraang buwan, opisyal nang ipinawalang-bisa ang kanilang kasal ng hukuman nitong Lunes. 

Sa mga naglabasang ulat, inaprubahan ng Seoul Family Court ang diborsyo ng Songsong couple at isang close-door hearing rin ang naganap rin sa pagitan ng mga abogado nina Joong Ki at Hye Kyo.


Ayon sa kampo ni Hye Kyo, “different personalities” ang sanhi bakit nagwakas ang masayang pagsasama ng dalawa. Hindi rin umano alam ng aktres ang paghahain ni Joong Ki ng diborsyo dahil nasa Thailand ito nung pumutok ang balita.

Magugunitang nagpakasal ang paboritong Korean couple ng publiko noong Oktubre 31, 2017.

Kaya ang ilang fans, ‘broken-hearted’ sa tuluyang pamamaalam ng Songsong couple sa isa’t-isa.

Facebook Comments

From Advertisers