Ivana Alawi, pinabulaanan ang umano’y video scandal: ‘Never kong gagawin ‘yun’

848
Instagram/@ivanaalawi

Nagsalita na si Ivana Alawi tungkol sa kumakalat kamakailan na video scandal niya umano.

Sinagot ng aktres ang alegasyon sa kanyang “hotpot mukbang” at Q and A vlog noong Huwebes, kasama ang kapatid na si Mona.


“Ivana, may kumakalat na video po na scandal niyo, kayo po ba talaga ‘yon?” tanong ng isang fan.

Ayon sa Kapamilya star, noong una ay hindi niya pinansin ang viral video, pero napilitan siyang linawin ang isyu matapos makatanggap ng mensahe ang kanyang nanay tungkol dito.

“Nakikita ko siya sa social media pero dinededma ko siya kasi unang-una hindi naman ako ‘yun eh. And, sa mga taong nakakakilala talaga sa akin, alam nilang hindi ako ’yun,” aniya.

“In-edit nila ‘yun. Nakakatakot actually ‘yung mga nagagawa nila sa internet eh diba,” dagdag pa niya.

Kahit “wild” at “liberated” ang kanyang imahe, giit ni Alawi, “you will never ever see any scandal of mine on the internet.”




“Unang-una, wala akong makukuha doon pag nag-video ako o nag-picture ako nang nakahubad. Bakit? Parang never ko siyang naisip na gawin ever, ever in my life,” sabi pa ng aktres.

Wala naman daw siyang problema sa iba na gumagawa ng nasabing bagay, pero kung siya raw mismo, aniya, “kahit mukha akong ganito, never kong gagawin ‘yun.”

Nabanggit din ni Alawi na dati ay tutol ang kanyang nanay sa sexy image niya online, ngunit natanggap din nito kalaunan ang kanyang desisyon.

Ibinunyag din ng aktres na nagkaroon na siya ng mga karelasyon na humihingi ng “sexy o dirty pictures”, pero wala siyang pinagbigyan sa mga ito.

“Never, never. Suwerte niyo naman,” hirit niya.

Facebook Comments