Ivermectin, binigyan ng CPR bilang anti-nematode

Binigyan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng Certificate of Product Registration (CPR) ang Ivermectin bilang anti-nematode.

Ayon kay FDA chief Eric Domingo, ibinigay ang CPR matapos mag-apply ang local pharmaceutical company na Lloyd Laboratories Inc.

Ibig sabihin, ang kompanyang ito ay binibigyan na ng pahintulot na mag-manufacture, mag-distribute, at magbenta ng nasabing gamot.


Ang CPR ay market authorization kung saan papayagan itong mabenta commercially.

Facebook Comments