Ivermectin, dapat lamang gamitin sa loob ng clinical trials – WHO

Iginiit ng World Health Organization (WHO) na dapat gamitin lamang sa loob ng clinical trials ang anti-parasitic drug na Ivermectin para malaman kung mabisa talaga ito laban sa COVID-19.

Ayon kay WHO-Western Pacific Region’s Essential Medicines and Health Technologies coordinator Dr. Soccoro Escalante, ang rekomendasyon ng WHO ay gagamitin lamang ang Ivermectin sa konteksto ng clinical trial.

Sinabi ni Escalante, nagsasagawa ang WHO ng masusing pag-aaral bago irekomenda ang isang gamot o bakuna para sa COVID-19.


Sa mga kasalukuyang ebidensya, ang Ivermectin ay walang direktang epekto o anumang mekanismo na mayroon itong antiviral action laban sa SARS-CoV-2.

Facebook Comments