IWAS AKSIDENTE │DOH, ilulunsad ang ‘Oplan Iwas Paputok’

Manila, Philippines – Sisimulan ngayong araw ng DOH ang pag-iikot sa mga paaralan upang paalalahanan ang mga mag-aaral na iwasan ang gumamit ng anumang uri ng mga paputok upang makaiwas sa anumang aksidente na mauwi sa kamatayan.

Ngayon araw ilulunsod ng DOH ang Oplan Iwas Paputok Firworks Display ang Patok kung saan ilulungsad ang unang araw para paalalahanan ang mga mag aaral ng Antonio Maceda Integrated School Mangga Ave. Sampaloc Manila.

Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III taon taon na itong ginagawa kung saan malaking kabawasan din ito sa mga nabibiktima ng paggamit ng paputok tuwing sasalubungin ang pasko at bagong taon.


Dagdag ni Sec. Duque na katuwang nila ang mga guro mga Barangay opisyal,PNP at BFP para lubusang ipaunawa ang peligrong hatid sa tao ng mga paputok na karamihan napuputulan ng daliri o mauwi sa kamatayan at pagkasunog.

Facebook Comments