Manila, Philippines – Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ibaba ang speed limit ng mga bus sa EDSA.
Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim, mula 60 kilometer per hour ay ibababa nila sa 50 kph ang takbo ng mga bus para makaiwas sa aksidente.
Aniya, mula kasi nang ipatupad ang yellow lane naging mas mabilis ang pagpapatakbo ng mga bus.
Paglilinaw naman ni MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia, na ito ay ipapatupad sa mga major road gaya ng C5, Commonwealth Avenue, Roxas Boulevard at Quezon Avenue.
Sabi naman ni Lim, kakabitan naman ng body cameras ang mga tauhan ng MMDA na nakatalaga sa mga choke-point areas sa EDSA simula Biyernes, Disyembre 8.
Pinag-aaralan na rin ng MMDA na armasan ng baton ang kanilang mga enforcer dahil sa mga insidente ng panggigipit ng mga galit at abusadong motorista.