IWAS HIV | Mga dental mission, pinahihinto na

Manila, Philippines – “No to extraction in dental mission”

Ito ang patuloy na panawagan ng Philippine Dental Associations simula pa noong 2013.

Kaugnay ito ng maaring paglobo ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa bansa.


Sa interview ng RMN Manila kay PDA Chairman Dr. Fernando ‘Andy’ Fernandez, sinabi niyang may lumabas na pag-aaral sa ibang bansa na kabilang ang dental outreach program o dental mission sa mga dahilan kung saan nakuha ng pasyente ang sakit na HIV.

Ayon kay Dr. Fernandez, bagaman wala pang ganitong kahalintulad na insidente sa bansa gusto nila itong maiwasan.

Maari kasing maipasa ang HIV sa pamamagitan ng dental instruments na ginamit sa taong may sakit nito lalo na kung hindi maayos ang sanitation at sterilization sa mga gamit.

Dahil dito, patuloy na nakikipag-ugnayan ang PDA sa kanilang chapter nationwide para tiyaking ligtas ang mga dental tools na ginagamit sa mga dental mission lalo na sa mga lalawigan.

Facebook Comments