Manila, Philippines- Naging talamak na ang cutting trip ng mga pampasaherong sasakyan para maiwasang mahuli sa kampaniyang “Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok”.
Ayon kay Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) Communications Head Elmer Argaño, marami sa mga tsuper ang pinuputol na ang kanilang pamamasada para hindi mahuli.
Kasabay nito, tiniyak ng I-ACT na handa sila sa plano ng mga kumokontrang tsuper na mag-rally sa mga lugar kung saan sila nanghuhuli.
Aniya, magdedeploy sila ng “Flying Squad” o iyong mag-o-operate ng walang pasabi at wala sa iskedyul ng operasyon.
Pinaghahandaan na rin ng I-ACT na tapatan ang welga na ikinakasa ng Transport Group na Piston laban sa kanilang kampanya.
Facebook Comments