IWAS HULI | Para maiwasang mahuli sa kampanyang ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’, ilang Public Utility Vehicles, nagka-cutting trip!

Manila, Philippines- Naging talamak na ang cutting trip ng mga pampasaherong sasakyan para maiwasang mahuli sa kampaniyang “Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok”.

Ayon kay Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) Communications Head Elmer Argaño, marami sa mga tsuper ang pinuputol na ang kanilang pamamasada para hindi mahuli.

Kasabay nito, tiniyak ng I-ACT na handa sila sa plano ng mga kumokontrang tsuper na mag-rally sa mga lugar kung saan sila nanghuhuli.


Aniya, magdedeploy sila ng “Flying Squad” o iyong mag-o-operate ng walang pasabi at wala sa iskedyul ng operasyon.

Pinaghahandaan na rin ng I-ACT na tapatan ang welga na ikinakasa ng Transport Group na Piston laban sa kanilang kampanya.

Facebook Comments