Iwas-Paputok Campaign ng Pasig, umarangkada na

Muling binuhay ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng lungsod ng Pasig ang kanilang Oplan Iwas-Paputok Program.

Dahil dito, nagsanib pwersa ang mga bombero ng lungsod at mga Pasig Fire Volunteer group upang isagawa ang kanilang motorcade ngayong umaga.

Inikot nila ang buong lungsod sakay ng mga fire truck bilang hudyat sa publiko na kasado na ang kanilang Iwas-Paputok Program.


Ayon kay Supt. Arthur L. Sawate, Director ng BFP Pasig City, kada taon isinasagawa ang nasabing programa na layunin na maiwasan ang sunog at disgrasya kaugnay sa paputok.

Pero ngayon taon aniya nais nilang paalalahan ang publiko na ipinagbabawal ang paggamit ng firecrackers, fireworks, at pyrotechnic device sa pagsalubong ng taong 2021.

Bahagyang naapektuhan naman ang daloy ng trapiko sa ilang kalsada ng lungsod dahil sa pagsagawa ng naturang motorcade.

Facebook Comments