IWAS PUSOY | DFA, hindi direktang inamin kung pinayagan ang China na magsagawa ng pagsasaliksik sa Philippine Rise

Manila, Philippines – Hindi direktang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ang alegasyon na pinayagan nito ang China na magsagawa ng research sa Philippine Rise.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, wala siyang nakikitang kahina-hinala kung magsagawa man ng pagsasaliksik ang China basta sumunod ang mga ito sa requirements na itinatakda ng ating batas.

Una rito, binanggit ni Magdalo Rep. Gary Alejano na pumayag ang DFA sa request ng Institute of Oceanology of Chinese Academy of Sciences na magreseach sa bahagi ng Eastern Mindanao at Western Visayas kung nasaan ang Philippine Rise.


Sabi ng mambabatas, kailangan maging maingat ang Pilipinas lalo’t sinasakop ng China ang malaking bahagi ng ating Exclusive Economic Zone.

Facebook Comments