IWAS PUSOY? | NFA, tahimik sa planong pagbuwag sa ahensya

Manila, Philippines – Tumanggi si NFA spokesperson Rex Estoperez na magkomento sa pahayag ni Secretary to the Cabinet Leoncio “Jun” Evasco na ikinukunsidera na ang pagbuwag sa National Food Authority o NFA.

Matapos ang saradong pulong kanina sa NFA Central Office, kibit balikat at malutong na tawa ang itinugon nila Estoperez at NFA director Rebecca sa tanong ng DZXL.

Sa pulong balitaan kanina sa Malakanyang, sinabi ni Evasco na ang rekomendasyon ay nanggaling sa Department of Finance.


Maaaring mangyari ang ikinukunsiderang pagbuwag sa ahensiya kapag wala nang kakapusan ng NFA rice.

Inaasahan na magpapalabas ng statement si Aquino para sagutin punto por punto ang dahilan ng pagkaubos ng buffer stock ng NFA.

Facebook Comments