Manila, Philippines – Hihilingin ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagpapalawig ng modified mall hours.
Matatapos na kasi sa January 15 ang late na pagbubukas ng mga malls sa kahabaan ng EDSA na sinimulan noong October 15, 2017.
Ayon kay MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia, bumilis ng 10 percent ang travel speed sa EDSA mula sa huling bahagi ng November hanggang simula ng January sa kasagsagan ng implementasyon nito.
Aniya, paspasan na ang programang “Build, Build, Build” kaya na alam niyang may epekto ito sa daloy ng trapiko.
Gayunman, nilinaw ni Garcia na hindi nila pipilitin ang mall operators.
Kasabay nito, nakatakdang isumite ng dalawampu’t limang mall operator ang datos hinggil sa epekto ng modified hours sa kanilang sales.