Sa gitna ng mga nangyayaring digmaan sa mundo ngayon, nagsama-sama ang iba’t ibang bansa sa selebrasyon ng United Nations Day sa Kalayaan Hall sa Club Filipino sa San Juan City.
Bawat district ng Inner Wheel Clubs of the Philippines (IWCP) ay naka-costume ng katutubong kasuotan ng mga bansa na nakapaloob sa UN.
Mga nag-gagandahan at makapangyarihang babae mula sa 9 district ang bumubuo sa pinakamalawak na Women’s Voluntary Service Organization sa buong mundo.
Samantala, may premyo ang tatanghaling best costume.
Ang Inner Wheel Clubs of the Philippines Inc., ang siyang naging susi kung bakit lumaganap ang samahan at ngayon ay mayroon na itong 165 countries sa buong mundo.
Ang layunin ng IWCP club ay sumasalamin ngayon sa United Nations, ito ay ang pagkakaroon ng kapayapaan sa buong mundo.
Nakiisa rin ang RMN Foundation sa okasyon, ang IWCP Club at RMN Foundation ay magkatuwang sa paghahatid serbisyo sa mga mahihirap na komunidad at sa mga sektor sa laylayan ng lipunan.