PNP, naka-full alert status ngayong Undas

Itataas ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang status sa full alert ngayong long weekend kasabay nang paggunita sa Undas.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., nasa 25,000 hanggang 26,000 na pulis ang ipapakalat sa buong bansa.

Ani Azurin, bukod sa mga sementeryo, magde-deploy rin sila ng mga personnel sa mga pantalan, paliparan, pasyalan at iba pang matataong lugar.


Layon aniya nitong hindi samantalahin ng masasamang loob ang long weekend para sila ay makagawa ng krimen.

Payo pa nito sa mga magbabakasyon o uuwi ng probinsya na ibilin ang kanilang tahanan sa pinagkakatiwalaang kapitbahay at sa brgy.

Sinabi pa ni Azurin na mayroon din silang itatalagang police assistance desk, checkpoint, foot patrol at pagtataas ng police visibility.

Samantala, wala namang natatanggap na banta sa seguridad ang PNP kasunod nang nalalapit na paggunita ng Undas.

Facebook Comments