Iza Calzado – engage na sa kanyang longtime British boyfriend

Manila, Philippines – Engage na ang aktres na si Iza Calzado sa kanyang longtime British boyfriend na si Ben Wintle.

Kinumpirma ito ng fashion designer at malapit na kaibigan ni Iza na si Rajo Laurel sa kanyang Instagram account.

Sa mga larawang i-pinost ni Rajo, makikitang nakaluhod sa harapan ni Iza si Ben hawak ang singsing.


Pero bago isuot ang engagement ring, palabiro pa itong kinuha ni Iza at kinagat para raw malaman niya kung totoo ang singsing.

Sa huli, ibinigay rin niya kay Ben ang matamis niyang “Yes!”

Taong 2011 nang unang magkakilala sina Ben at Iza.

Facebook Comments