J-J Helterbrand, ng back-to-back Governor’s Cup champion Barangay Ginebra nagretiro na

Sports – Ilang araw matapos tulungan ang Gin Kings na talunin ang Meralco Bolts para muling magkampeon sa Governor’s Cup, inanunsiyo na ni J-J Helterbrand ang kaniyang pagreretiro matapos ang labing-pitong season sa Barangay Ginebra.

Ayon kay Helterbrand, masaya siya na tapusin ang kaniyang career matapos muling manalo ng titulo. Bagamat may mga alok si Helterbrand sa labas ng hard court, sinabi nitong magpapahinga muna siya bago niya pag-isipan kung ano ang gagawin niya sa hinaharap.

Si Helterbrand ay pumasok sa Gin Kings noong 2000 at sumikat bilang ka-tandem ni Mark Caguioa sa binansagang “The Fast and the Furious” backcourt ng Ginebra.


Siya ay nagkamit ng MVP Award at napili ng pitong beses na napasama sa PBA All Star selection.

Malaki rin ang naitulong nito para makakuha ng anim na titulo ang Barangay Ginebra.
Photo (c): Spin.ph

Facebook Comments