Bulaklak sa Cotabato City mabenta ngayong undas

Dinadagsa ngayon ang flower shop sa Tantawan Area sa PC HILL sa Cotabato City kaugnay sa pag oobseraba ng Undas.

Bagaman tumaas nang hanggang dalawang daang piso ang presyo ng mga bulaklak paubusan pa rin ngayon ang stock ayon pa kay Lando isa sa mga vendor ng bulaklak.

Nasa 400 pesos na ngayon ang Malaysiam Mums at Anthuriums na dating tig 200 lamang , habang nasa 300-500 naman ang bawat dosena ng rosas. Sinasabing nagmumula pa ito sa bahagi ng North at South Cotabato.
Kaugnay nito magiging bukas 24 hours ang flower shop sa PC Hill hanggang sa November 2. Makakabili rin ng bulaklak sa mismong mga sementeryo, sa supermarket at tapat ng Cathedral.


Facebook Comments