Jacky Co at iba pang mga akusado sa1.8 billion illegal drug shipment sa bansa, ipapatawag na ng DOJ Anti-Illegal Drug Task Force

Nakatakda nang ipatawag ng Anti-Illegal Drug Task Force ng DOJ ang mga akusado sa pagkakapuslit sa bansa ng 1.8-billion illegal drugs.

 

Ayon sa Task Force, nagkasundo na sila na magpalabas ng subpoena laban sa grupo ni Zhijian Xu alias Jacky Co.

 

Sisimulan na rin ng DOJ ang preliminary investigation sa nasabing kaso sa susunod na buwan.


 

Una nang kinasuhan ng PDEA sa Department of Justice ng paglabag sa Section 4 o (Importation of Dangerous Drugs), in relation to Section 30 at 31 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, si Zhijian Xu alias Jacky Co at labing apat na iba pa na sinasabing responsable sa pagpasok sa bansa ng 276 kilos ng shabu.

Facebook Comments