Jaclyn Jose, naglabas ng galit sa kay Jake Ejercito

Manila, Philippines – Naglabas ng galit si Jaclyn Jose gamit sa kaniyang instagram account hinggil sa inihaing child custody ni Jake Ejercito.

Sa mga post ni Jaclyn, sinabi nitong punong puno na siya kay Jake at sa ina nitong si Laarni Enriquez.

Giit pa ni Jaclyn, sawa na siya manahimik at kahit anong mangyari ay ipaglalaban niya ang kanyang apong si Ellie na anak ni Andi Eigenmann.


Say ng aktres, nanginginig siya habang tinatype niya ang kaniyang mga post kaya maraming typographical error.

Umamin din si Jaclyn na naka-inom siya para makakuha ng lakas at tapang paraa malabas ang kaniyang galit.
DZXL558

Facebook Comments