Jake Zyrus – idedemanda ni mommy Raquel Pempengco

Manila, Philippines – Planong maghain ng kasong libel ni Raquel Pempengco laban sa anak niyang si Jake Zyrus at mga nasa likod ng drama anthology ng isang malaking network.

Sabi ni mommy Raquel, nasira ang kanyang pagkatao matapos ipalabas ang life story ni Jake nang hindi man lang siya kinukonsulta.

Lumabas kasi sa kwento na sinasaktan niya at pinipilit niyang sumali sa mga singing contest ang kanyang anak.


Bukod dito, ipinakita rin sa kwento kung paanong waldasin ni mommy Raquel ang mga perang ipinapadala ni Jake noong aktibo pa siya sa international music scene.

Una nang pinabulaanan ni mommy Raquel na totoo ang ipinalabas na kwento at tinawag pa niyang sinungaling si Jake.

Ngayong linggo inaasahang ihahain ni Raquel ang reklamo oras na makaluwas na sa Maynila mula sa Laguna.

Facebook Comments