James Reid, hinirang bilang bagong Food Security Ambassador ng bansa

Itinalaga ang actor-record producer na si James Reid bilang bagong Ambassador for Food Security ng bansa.

Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar sa opening ceremony ng Farmers’ and Fisherfolks’ Month sa DA Central Office sa Quezon City, kahapon.

Kasama ang iba pang DA officials, dumalo sa event ang 27-year-old Filipino-Australian actor kung saan dito ay ipinakilala siya bilang bagong talagang DA Ambassador for Food Security.


Pangungunahan ni James ang malawakang information campaign ng DA “On Ensuring Sustained Food Security, Food Accessibility and Affordability.”

Sa pamamagitan ng Instagram post, nagpasalamat naman si James sa tiwalang ibinigay ng DA.

Nabatid na nag-volunteer si James kaya hindi siya tatanggap ng suweldo sa kanyang bagong trabaho.

Facebook Comments