James Yap, magbabalik-PBA na!

Magbabalik- aksyon na ang Two-time MVP na si James Yap para sa koponang Rain or Shine Elasto Painters sa pagpapatuloy ng 2021 Philippine Basketball Association (PBA) sa Pampanga.

Kinumpirma ito ni Elasto Painters head coach Chris Gavina na hahabol ang 39 taong gulang na PBA star matapos ang walong buwan na hindi nakapaglaro si Yap dahil sa injury sa kaniyang tuhod.

Giit ni Gavina, mas lalo pang magiging maingat si Yap upang hindi na magkaroon ng injury sa mga susunod na laro.


Sa ngayon ay mayroong 4-2 win-loss record ang Elasto Painters at nasa ikalimang puwesto sa PBA.

Facebook Comments