Sofia Andres, inaming mas malalim na ngayon magmahal!

Emosyonal na ibinahagi ng aktres na si Sofia Andres ang mga naging pagbabago sa kaniyang buhay mula nang ipanganak niya ang unica hija nila ng boyfriend na si Daniel Miranda na si baby Zoe.

Kwento ni Sofia, marami siyang adjustment at discovery sa kaniyang sarili ngayong mommy na siya.

Aniya, isa na rito ang pagbibigay ng unconditional love kung saan hindi na raw akalaing makakapagbigay siya ng sobrang pagmamahal sa isang tao.


Mas lalo rin daw na-appreciate ni Sofia ang kaniyang mommy lalo na kapag sinasabihan siya ng ‘I love you’ ni Zoe.

Sa huli, masasabi ng aktres na pamilya pa rin ang pinakaimportanteng bagay sa mundo.

Facebook Comments