Jane de Leon, nagsalita na ukol sa pagiging bagong Darna

1077
via Jane de Leon

Nagsalita na si Jane de Leon ukol sa pagkapili sa kaniya ng ABS-CBN management bilang maging bagong Darna.

Matatandaan na nag-back out si Liza Soberano sa iconic pinay superhero na role na ito dahil sa kaniyang natamong finger injury sa shooting ng Bagani nitong nakaraang taon.


Ibinahagi naman ni Direk Olivia Lamasan nitong Miyerkules ng umaga na si Jane de Leon na ang napili ng istasyon upang pumalit kay Liza.

Marami namang netizens ang inakala na kay Nadine Lustre ang role na ito. Naging unanimous ang desisyon ng network sa pagpili kay Jane.

“I will do everything and anything for the role because I believe in her, I believe in what Darna stands for,” pahayag ni Jane.

Nakilala naman ang aktres sa kaniyang role na ‘Maggie’ sa seryeng Halik kung saan gumanap siyanga kapatid ni ‘Lino’ o Jericho Rosales. Napanood din ang aktres sa Ipaglaban Mo at dating kasama sa girl group na ‘Girltrends’.

Umani naman ng reaksyon mula sa mga netizen ang pagkapili kay Jane bilang Darna.

Facebook Comments

From Advertisers