Janella Salvador, hindi umano binati ang ina sa Mother’s Day

Noong May 13, nag-post sa Instagram ang ina ni Janella Salvador na si Jenine Desiderio ng video ng bunsong kapatid ni Janella na bumabati sa kanya ng Happy Mother’s Day.

Nagkomento ang isang netizen at fan ni Janella at sinabing sigurado ito na binati siya nang personal ng panganay na anak.
Sagot ni Jenine, “No, she didn’t.”

Naibalita ang hidwaan sa pagitan ng mag-ina noong 2017 dahil sa mga tweets ni Jenine na may kinalaman sa onscreen partner at rumored boyfriend ni Janella na si Elmo Magalona.


Umamin din si Janella na malalim ang pinag-uugatan nito.
Sa pinakahuling interview ni Janella, humingi siya ng privacy tungkol sa issue nilang mag-ina.

Facebook Comments