PATAY | Pulis, pinagbabaril sa Sta. Cruz, Manila

Manila, Philippines – Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng isang hindi kilalang suspek sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang biktima na si PO1 Manuel Cabusao.

Dead on the spot si Cabusao matapos na pagbabarilin ng isang lalaking sakay ng motorsiklo kaninang 10:34 ng umaga sa kanto ng Thomas Mapua at Remegio Street Sta Cruz Manila.


Mabilis na tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek matapos maisakatuparan ang pamamaril.

Patuloy pang iniimbestigahan ng MPD-Homicide Section ang naturang insidente.

Facebook Comments